Thursday, May 29, 2008

Upload/download


Monday, May 26, 2008

Coitus Without Interruptus

Did a great job, this boredom,
of transcending similes
ejaculated on a tissue paper
into a means of sulking one’s self
not up to death
but up to an ultimate organismal perfection.
Because greed for perfection
happens to kill a person
only a little smoother than
decaying one’s viscera
by facilitating a one-man,
9 days constipation marathon.
Doom thyself by multiplying
the number of the passing cockroaches
by the number of times
Erap Estrada would be
applauded for his political
and psychological indolences,
Or might as well cheer up!
Exhilarate thy own self
by gathering another
roll of tissue paper,
a hand-full of Vaseline,
just incase thy palm
comes in need of lubricant,
and a functional, fully-inked tech-pen.
On this night, the comfort room
is the more decent place to be.

Better be the first person to write poetry about
how a grandpa, in the middle of a hypothalamic stimulatory phase,
at the bosom of a teenage potential queen of the estrus cannibalism,
lived life to its lengthiest extent, un-incapacitated by any mortal limitations;
and about how he ended it just as how the general society prescribes it to be:

extroverted.

Upright.

Productive.

Sunday, May 25, 2008

Nasaan ka, Malintang?

(base sa operang “Hinilawod”)


Sapagkat hindi lamang huni ng dagat
ang nagbibigkis sa iyo kay Malintang,
Ikaw Humadapnon ay nangakong tutuklas
ng daan patungo sa kaniya. Hindi bunga ng panaginip
o pagkakataon lamang ang dugtong ng inyong hinahon.

Narito ako at hihintayin ka,
halika, halika,
Pintuho mo akong kailangang makita.
mangako ka!

Nasaan ka at sa panaginip lamang lumalagi?
Nasaan ka marilag kong giliw, aking Marikit?,
Susundan kahit saan huwag kang maiinip.

Inaawit ng dagat
ang landas ng pagkabuo
hindi ang daan ng gunaw;
kaya nga at may pangako
bawat liriko. Madalas,
sa daan ng pagtugaygay,
nanliligaw ang ligaw.

Saang yungib at dilim nagbubuga ng amoy ng pang-akit?

Ikaw Humadapnon ay narahuyo
sa gayumang kaloob. Wala ngayong panaginip
na lumitaw sa nilasong puso.

Tagumpay ka tampalasang Guinmayan.
Sa bagsik ng gayuma,
kahit dalisay mang pag-ibig
ay namamatay.

Buuin natin ang kapwa natin pangako.
Nandiyan na ako,ang talim ng tabak
ang sa iyo ay saklolo.

Ay giliw kong tunay, salamat sa iyong alay,
kahit buhay mo’y handa sa aking ibigay.

Kayo Malintang at Humadapnon
ay naglunoy sa himig ng dagat.
Ngunit lahat ng nananatili ay may pansamantala.

Naglambing ang tungkulin.
Nagbigay ka Humadapnon
upang sa muling pagbabalik
ay wala nang lilitaw na paglisan.

Matagal nang nakatatak sa lupa at lipi
ang kasunduang di mababali – Malintang at Sumagulong.
Ikaw na naiwan ay di nagawang umaglahi
sa naghihintay mang pighati.

Patawad sa di natakasang tadhana.

Taksil ka at di nakapaghintay sa akin.
Mas nanaisin pang buhay mo ay kitilin.

Umagos ang dugo sa paanan mo Humadapnon
kasabay ng pagkakagiba ng moog ng pagsuyo.
Nabulag ka sa pangingimbulo’t poot ang naidulot.

Nasaan ka Malintang?

Dadalhin kita sa pampang.
Buhayin ka nawa ng himig-dagat
Tanggapin nawa, ang usal kong patawad.

Noon sumilang ang araw
na may pag-asang buhay.

Bakgrawn-sanaysay ng "Nasaan ka, Malintang?"

May 35 taon na ang nakalilipas, itinanghal sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas ang operang Hinilawod na batay sa epikong Panay. Ang nasabing epiko ay matapat na itinala ni F. Landa Jocano, na isang antropologo; isinadula at hinalaw ng batikang manunulat na si IƱigo Ed. Regalado; nilapatan ng musika ni Alfredo S. Buenaventura; at idinirek sa entablado ni Jaime V. Asencio. Bagaman si Jocano ang nagpatanyag ng Hinilawod, at gagawan ng lagom ni E. Arsenio Manuel, mauuna kay Jocano si Eugenio Ealdama na sumulat ng artikulo ukol doon sa Philippine Magazine noong 1938.

Pinakabagong saliksik naman ang inihain ni Gina V. Barte, na lumagom sa ikalawang siklo ng Hinilawod, na ang ilang bahagi ay sinipi ni Corazon D. Villareal sa kaniyang aklat na Siday: Mga Tulang Bayan ng Panay at Negros (1997). May lagom din ng Hinilawod na mula sa tala ni Alejo Zata, at mababasa sa internet. Magandang balikan sa aking palagay ang nasabing epiko dahil maaaring ang transpormasyon niyon ay tumagos hindi lamang mulang dula at opera bagkus hanggang pelikula at telenobela tungong komiks at larong video.

Hango umano ang “Hinilawod” sa dalawang salita: ang “hini” na ang ibig sabihin ay “tunog” o “himig”; at “lawod” na ang ibig sabihin ay “dagat.” Ang “Hinilawod” kung gayon ay maaaring mangahulugan na “Himig ng Dagat” o sa matalinghagang salin ay katumbas ng “Himig mula sa tabing-dagat.” Ang ganitong palagay ay unang binanggit ni Villareal, at inugat sa haka ni Jocano na dating naninirahan sa baybayin ang mga tagabundok ngayong Panayon. Posibleng naganap umano ang isang malawakang migrasyon, at ang mga tao ay lumipat tungong iraya at doon nagsimula ang paglilipat ng epiko.

Sari-sari ang bersiyon at kapana-panabik ang mga tagpo ng Hinilawod, ngunit ang isa sa mahahalagang aspekto nito ay ang resureksiyon at pagbabagong-anyo ng pagmamahal.
Sa opera ni Regalado, ipinakilala ang marikit na si Malintang, na nagtataglay ng mga katangian ng kapuwa mortal at sobrenatural. Lumitaw siya sa isang gabi sa panaginip ng mandirigmang si Humadapnon, at hinimok ng naturang dilag na hanapin siya ng binata. Nabulabog ang pandama ni Humadapnon, at nabatubalani sa dalaga, at nagsimulang hanapin si Malintang sa tulong ng kaniyang mga kawal.

Pumalaot si Humadapnon sakay ng kaniyang barangay, at napagawi sa isang yungib ng pulong tahanan ni Guinmayan at ng kaniyang mga binibining tagasunod. Taglay ni Guinmayan ang kapangyarihan ng kapuwa mangkukulam at diwata, at inakit si Humadapnon na doon tumira sa pulo at nangakong ibibigay sa kaniya ang walang hanggang pagmamahal. Pinaglaho din ni Guinmayan ang mga kawal ni Humadapnon sa pamamagitan ng kaniyang itim na kapangyarihan, at ibinilanggo ang lalaki sa pulo upang maangkin nang lubos.

Darating isang araw si Malintang, na nakabalatkayong lalaki at tangan ang tabak, upang saklolohan si Humadapnon. Nailigtas nga si lalaki; ngunit hindi magtatagal ang masayang pagsasama nina Malintang at Humadapnon dahil kailangang umalis muli si Humadapnon at tupdin ang tungkulin para sa lipi. Nangako si Humadapnon na magbabalik sa piling ni Malintang, at mamahalin ang dalaga hanggang wakas. Subalit nang malayo na Humadapnon, sapilitang ipinakasal si Malintang ng kaniyang ina kay Sumagulong, alinsunod sa kasunduang pinagtibay ng dalawang mag-anak simula nang ipanganak sina Malintang at Sumagulong. Hahabol sa kasalan si Humadapnon, at papatayin si Malintang sa pag-aakalang nagtaksil ito sa kaniya.

Yayao si Malintang sa paanan ni Humadapnon, lilitaw naman ang mga anito o diwata, at isasaysay nila ang wagas na pag-ibig ng dilag kay Humadapnon. Papayuhan din ng naturang mga sobrenatural na maykapal si Humadapnon na dalhin ang bangkay ng dalaga doon sa Hinilawod, at mag-alay ng panahon at bantayan siya. Tinupad ni Humadapnon ang bilin sa kaniya, at sumilang ang araw na muling nabuhay si Malintang. Nagwakas ang opera sa pag-asang magsasama nang masaya at walang katapusan ang dalawang nilalang.

Marami pang hiyas na mahuhugot mula sa iba’t ibang epikong bayan ng Filipinas. Kailangan lamang natin itong halungkatin, pag-aralan muli, at sipatin sa pambihirang anggulong mula sa pananaw nating mga Filipino.